Makabuluhang pagbibigay opinyon sa mga problema ng bansa at mismong mga mamamayan nito.
Translate
Huwebes, Mayo 29, 2014
"Panlasa sa Musika"
-Credits and ownership to Tv5 AksyonTv
Aaminin ko, isa akong die hard fan ni Eminem. Simula pa noong ilabas ang album niyang "The Eminem Show", hindi na ako tumigil sa paghanga sa kanya. Nakakarelate ako dahil na rin sa mga kanta niyang patungkol sa mga "struggles" niya sa kanyang sariling buhay. Dahil na rin sa dahilan na ito kaya naman ang laman ng "playlist" ko ay karamihan na mga kanta niya.
Ngunit hindi naman iisa ang hinahangaan kong musikero o banda. Nandyan ang mga bandang Eraserheads, Parokya ni Edgar, Francis M at Gloc9. May mga foreign din akong gustong laging pakinggan kagaya nila John Legend, MLTR at Beatles. Isama mo na din sila Bruno Mars at marami pang iba. Pwede mo na rin sabihin na hindi ako "loyal" sa iisang "genre" ng musika. Ito'y dahil na rin sa paniniwala ko na kung anong "mood" mo sa isang partikular na oras, ay doon mas magandang pakinggan ang isang partikular na uri ng tugtog. Kagaya na lamang kapag masaya ka, syempre hindi ka makikinig ng Air Supply. O kung malungkot ka naman at nais mong sumaya, nandyan yung mga tipong "lively" na awitin tulad ng "Happy" ni Pharell Williams. Sa huli, isa pa rin akong batang 90's na tinatanggap ang uri ng musika na aking magugustuhan, at hindi sumasabay sa kung anong dinidikta ng masa.
Kamakaylan lamang ay nabalita ang pagiyak ng ilang mga naubusan ng ticket sa gaganaping konsyerto ng bandang "One Direction" dito sa ating bansa. Sa aking paggagala sa ibat ibang news site ay di ko maiwasang mainis sa mga taong minamata ang kanilang kapwa. Nandyan ang mga komentong di marunong pumili ng iidolohin ang mga kabataan ngayon, na nagaaksaya sila ng pera sa walang katuturang mga banda, at lalo na ang wala silang panlasa sa musika. Sakit di ba? Ngunit kung iisipin, ang mga taong ito'y may mga naka "padlock" na isipan.
Ang sa akin lang naman ay pwede naman natin silang hayaan sa kung anong matipuhan nilang awitin o mga idolo. Ano naman kung umiyak sila sa bandang gustong gusto nilang mapanood? Hindi ba at ganyan din naman ang ating mga lolo at lola nung bumisita dito ang bandang Beatles nung 1960's? Ang nakakalungkot lamang ay tila nawalan na ng respeto ang karamihan sa kung anong panlasa ng bawat isa sa musika.
Click the link for the Beatles Concert in Manila (1966)
Dahil magaling si Juan dito sa isang bagay na ito: Ang mangmata at manlait ng kapwa.
Martes, Mayo 27, 2014
"ALLEGEDLY"
For further info see Manila Bulletin web page:
http://www.mb.com.ph/108-solons-in-Napolist/
Lumang balita, bagong pakulo. Ano nga ba ang problema? Matagal na nahuli ang "allegedly" ay nasa likod ng pork barrel scam na hanggang ngayon ay suspect pa rin. Wala pa rin napapatunayan at pinagmukhang tanga pa ang senado at taong bayan sa makapagpataas ng altapresyon niyang banat na: "I invoke my right to self incrimination. Same old story.
At si Mrs.Napoles ay naglabas ngayon ng listahan ng mga "allegedly" ay mga kasangkot din sa walang habas na paglustay ng kaban ni Juan. Alam mo na ang bilang kung nanonood ka ng balita at di inuubos ang oras mo kakaselfie ( ang bilang ay 108). May mga matunog na pangalan at mayroon din namang hindi ganoon kakilala.
Turuan. Dyan sila sobrang galing! Pag nabatuhan ng putik ay maghahanap ng pwedeng pahiran nito. Hindi aamin hanggat walang "proof of evidence". Buti hindi pa minumulto ng konsensya nila ang mga magnanakaw na ito.
Ngunit hanggang kailan nga ba mananatiling "allegedly" ang mga taong ito? Kapag may umamin na? Malabo. Sa Japan pa lamang ako nakakabalita ng ganoon at dahil sa kahihiyan, ay kukunin ang sarili nilang buhay. Kapag may ebidensya na? Pwede, pero malabo din ito kung halos lahat ng taong nasa pwesto ay alipin ng salapi, mga sumasamba sa piso ika nga ni Robin Padilla.
Ang punto ko at sa akin lang naman ay mas mabuti pa na panagutin si Mrs. Napoles sa mga ginawa niya. Slowly but surely ika nga. Unahin muna kung sino ang unang nahuli, hindi yung sa "allegedly" na listahan ng mga buwaya mapupunta ang atensyon. Hindi ako sigurado kung "diverting tactics" lamang ang paglalabas niya ng listahan ng mga pangalan pero hindi ba dapat ay ikulong na sya sa kung saan sya nararapat? Oo may sakit sya pero hindi ito mabigat na dahilan upang sya ay bigyan ng "special treatment" na halatang halata naman ng ordinaryong Juan. Yung iba ngang nakakulong sa Munti eh siksikan at nagkakandahawa na ng T.B at sakit sa balat pero may ginawa ba ang gobyerno natin? Wala. At yung mga nagnakaw ng milyon at bilyon sa bayan? Ayun, nasa hospital arrest o di kayay de-aircon ang kulungan.
Umamin na ang dapat umamin. Bigyan ng Samurai para kahit papano ay makapagisip-isip.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)