Makabuluhang pagbibigay opinyon sa mga problema ng bansa at mismong mga mamamayan nito.
Translate
Huwebes, Mayo 29, 2014
"Panlasa sa Musika"
-Credits and ownership to Tv5 AksyonTv
Aaminin ko, isa akong die hard fan ni Eminem. Simula pa noong ilabas ang album niyang "The Eminem Show", hindi na ako tumigil sa paghanga sa kanya. Nakakarelate ako dahil na rin sa mga kanta niyang patungkol sa mga "struggles" niya sa kanyang sariling buhay. Dahil na rin sa dahilan na ito kaya naman ang laman ng "playlist" ko ay karamihan na mga kanta niya.
Ngunit hindi naman iisa ang hinahangaan kong musikero o banda. Nandyan ang mga bandang Eraserheads, Parokya ni Edgar, Francis M at Gloc9. May mga foreign din akong gustong laging pakinggan kagaya nila John Legend, MLTR at Beatles. Isama mo na din sila Bruno Mars at marami pang iba. Pwede mo na rin sabihin na hindi ako "loyal" sa iisang "genre" ng musika. Ito'y dahil na rin sa paniniwala ko na kung anong "mood" mo sa isang partikular na oras, ay doon mas magandang pakinggan ang isang partikular na uri ng tugtog. Kagaya na lamang kapag masaya ka, syempre hindi ka makikinig ng Air Supply. O kung malungkot ka naman at nais mong sumaya, nandyan yung mga tipong "lively" na awitin tulad ng "Happy" ni Pharell Williams. Sa huli, isa pa rin akong batang 90's na tinatanggap ang uri ng musika na aking magugustuhan, at hindi sumasabay sa kung anong dinidikta ng masa.
Kamakaylan lamang ay nabalita ang pagiyak ng ilang mga naubusan ng ticket sa gaganaping konsyerto ng bandang "One Direction" dito sa ating bansa. Sa aking paggagala sa ibat ibang news site ay di ko maiwasang mainis sa mga taong minamata ang kanilang kapwa. Nandyan ang mga komentong di marunong pumili ng iidolohin ang mga kabataan ngayon, na nagaaksaya sila ng pera sa walang katuturang mga banda, at lalo na ang wala silang panlasa sa musika. Sakit di ba? Ngunit kung iisipin, ang mga taong ito'y may mga naka "padlock" na isipan.
Ang sa akin lang naman ay pwede naman natin silang hayaan sa kung anong matipuhan nilang awitin o mga idolo. Ano naman kung umiyak sila sa bandang gustong gusto nilang mapanood? Hindi ba at ganyan din naman ang ating mga lolo at lola nung bumisita dito ang bandang Beatles nung 1960's? Ang nakakalungkot lamang ay tila nawalan na ng respeto ang karamihan sa kung anong panlasa ng bawat isa sa musika.
Click the link for the Beatles Concert in Manila (1966)
Dahil magaling si Juan dito sa isang bagay na ito: Ang mangmata at manlait ng kapwa.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento