Makabuluhang pagbibigay opinyon sa mga problema ng bansa at mismong mga mamamayan nito.
Translate
Miyerkules, Hunyo 11, 2014
Nasaan ang Hustisya?
Click for the Video (TV5 Copyright)
Isa akong magaaral sa kursong Edukasyon ( English Major). Gayunpaman, itoy hindi naging isang hadlang sa akin upang umiling at sumakit ang ulo sa isang balita na kanina ko lamang natagpuan sa mundo ng internet dito sa ating bansa. Pagdating ng 2016 ay tatanggalin na ng CHED ang Filipino bilang isang subject sa kolehiyo, at sa halip ay ituturo na lamang hanggang sa mga magaaral sa sekundarya. Boom. Major Face Palm hindi lamang para sa 10,000 mahigit na mga gurong mawawalan ng trabaho, kundi pati na rin sa mga magaaral na nagpapakadalubhasa dito.
Ayos lang daw ito sa ibang tao. Syempre unang una, makakabawas gastos. Pangalawa, hindi mo na kailangan pang pagaralan ang sarili mong wika, na sinasabi nila ay hindi naman na talaga dapat kailangan. Pangatlo, ay magandang oportunidad daw ito upang mas palakasin ang pagkatuto sa wikang Ingles.
Hindi ko alam kung anong nasinghot kong epoxy o rugby, pero hindi ba at mali ito? Yes, I myself is an English teacher that wants to boost the Filipino students capabilities in speaking their second language, pero makatarungan ba ang pagtatanggal ng pagaaral ng sariling wika? Kung hindi ako nagkakamali, kung dagat ang sisisirin mo sa pagaaral ng Ingles, gayun din naman ang sa wika natin. Napakalalim at hindi mo aasahang ganoon sya kalalim. Kung nakapagbasa ka na ng mga librong tulad ng "Florante at Laura" o kahit man lang "Noli at "El Fili" ni Rizal ay maaanigan mo kung gaano kahirap intindihin ang mga ibang salita na nakapaloob dito. Tapos sasabihin mong madali ang pagaralan ang sariling atin? How can we attain mastery of another language, if we can't even master our own? Maling mali ang hakbang na ito ng CHED. Oo, makakatulong ang pagkatuto ng ibang wika gaya ng Mandarin o Korean etc. Pero ang tuluyang pagtatanggal nito sa kolehiyo na kung di ako nagkakamali ay dalawang semester lang naman ang kinakain? Para mo na rin sinabing malansang isda tayo, katulad ng sinabi ni Ka Pepe.
Ang sa akin lang naman ay sana, SANA magising sila sa katotohanan na ang pagmamahal sa sariling lenggwahe at pagaaral nito ay maaaring maging susi sa kaunlaran ng nasyon. Ng isang nasyon na hindi umaasa sa dayuhang lenggwahe. Tignan na lang natin ang ibang bansa gaya ng Korea o Japan. Nagaaral sila ng English para sa international matters or for mastery purposes etc. pero hindi nila ibinababa ang pagtingin nila sa sarili nilang mga salita. IPINAPANTAY nila ito. Para bagang PRIDE nila ang pagsasalita sa kanilang native tongue. Sana maging ganito din tayo.
Isipin nawa ng CHED ang kapakanan ng kinabukasan ng bansa. Ang hakbang nila na ito ay parang nagsisilbing pagtapak sa mga ipinaglaban ng ating mga bayani.
-Credits and Ownership of Video and picture to TV5
Biyernes, Hunyo 6, 2014
"Pagrespeto sa Watawat ng Bansa"
Ownership and Copyright to ABS-CBN and Rikki Vallido.
Visit the FB page of ABS-CBN for more info:
Saludo ako sayo Manong!
Nakakatuwang isipin na may mga tao pa rin ngayon na kahit sabihin natin na hindi nakapagaral o nakatapos man lang, ay marunong rumespeto sa ating watawat. Tulad na lamang ng isang lalake ito na nasa kaliwa ninyo na si Alex Capati. Gumawa ng ingay sa mga social media site si manong, pati na rin sa balita kamakaylan lamang. Ano ba ang ginawa niya? Isang napakasimpleng bagay lang naman na dapat ay karaniwan sa ating mga Noypi. No, hindi ang pagiging talangka o buwaya, kundi ang pagiging makabayan sa isang napakasimple ngunit nakakamanghang pagkakataon.
Ayon sa aking paggagala muli sa mundo ng internet ay napukaw ang aking atensyon ng imahe na ito. Sino nga ba ang magaakala na isang karpintero ng isang nasirang simbahan ay magbibigay ng oras upang ilagay ang kanyang kanang kamay sa kaliwang dibdib upang magbigay galang sa pagawit ng Lupang Hinirang? Idagdag mo pa na nasa itaas mismo sya, nakatayo sa "scaffolding". Kung ikaw ba, gagawin mo ang ginawa niya, na pwede mong ikalaglag at ikamatay? Marahil hindi, dahil ako hindi din kasigurado kung gagawin ko yung ginawa niya.
Maraming mga "modernong makata ngayon" na mangaawit, ngunit wala akong nakitang mas makabayan pa kaysa kay Manong Alex, kahit di sya kumakanta. Marami din ngayong mga may pinagaralan, mga mayayaman, o di kayay mga estudyante (dahil naman pasukan ngayon kaya uso pa awitin tuwing umaga ang Lupang Hinirang) na wala namang pakialam pag tinutugtog ang ating pambansang awit. Minsan nga, mismong mga guro hindi na din ganun binibigyan pansin ang tamang pagbibigay galang at respeto sa watawat. Nakadalo na din ako ng mga salo-salo at mga "seminar" na kapag kakantahin na ang awit na ipinaglaban ng ating mga bayani ay biglang nananahimik, kung saan dapat ay buong pagmamalaki at taas noo mong aawitin ito, kasabay ng diretsong pagtingin sa watawat natin at hindi sa katabi mong seksi o sa cellphone mo para itext si mahal. Maaaring hindi perpektong tao itong si Manong Alex, ngunit marunong syang mahiya sa ipinaglaban ng ating mga ninuno. Ano nga ba ang sinisimbulo ng bandila natin? Ano pa nga ba, eh di ang ating "KALAYAAN".
Hindi din naman ako perpekto. May mga pagkakataon na hindi din ako nagbibigay galang pag flag ceremony na. Ang sa akin lang naman ay maari naman tayong maglaan ng oras para sa hindi lalagpas ng dalawang minuto nating pambansang awit. Sabay sabay nating isapuso ang bawat salita na ating binabanggit sa awitin. Damhin natin ang kalayaang tinatamasa natin na sinisimbulo nito, sa kaparehong paraan na ginawa ni Alex Capati. Hirap man sa buhay, hindi nagbabago ang kanyang pagbibigay respeto sa bansang kanyang sinilangan.
Sana... Sana... Wag isawalang bahala ang isa sa mga simbolo ng ating pagkaNoypi.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)