Makabuluhang pagbibigay opinyon sa mga problema ng bansa at mismong mga mamamayan nito.
Translate
Miyerkules, Hunyo 11, 2014
Nasaan ang Hustisya?
Click for the Video (TV5 Copyright)
Isa akong magaaral sa kursong Edukasyon ( English Major). Gayunpaman, itoy hindi naging isang hadlang sa akin upang umiling at sumakit ang ulo sa isang balita na kanina ko lamang natagpuan sa mundo ng internet dito sa ating bansa. Pagdating ng 2016 ay tatanggalin na ng CHED ang Filipino bilang isang subject sa kolehiyo, at sa halip ay ituturo na lamang hanggang sa mga magaaral sa sekundarya. Boom. Major Face Palm hindi lamang para sa 10,000 mahigit na mga gurong mawawalan ng trabaho, kundi pati na rin sa mga magaaral na nagpapakadalubhasa dito.
Ayos lang daw ito sa ibang tao. Syempre unang una, makakabawas gastos. Pangalawa, hindi mo na kailangan pang pagaralan ang sarili mong wika, na sinasabi nila ay hindi naman na talaga dapat kailangan. Pangatlo, ay magandang oportunidad daw ito upang mas palakasin ang pagkatuto sa wikang Ingles.
Hindi ko alam kung anong nasinghot kong epoxy o rugby, pero hindi ba at mali ito? Yes, I myself is an English teacher that wants to boost the Filipino students capabilities in speaking their second language, pero makatarungan ba ang pagtatanggal ng pagaaral ng sariling wika? Kung hindi ako nagkakamali, kung dagat ang sisisirin mo sa pagaaral ng Ingles, gayun din naman ang sa wika natin. Napakalalim at hindi mo aasahang ganoon sya kalalim. Kung nakapagbasa ka na ng mga librong tulad ng "Florante at Laura" o kahit man lang "Noli at "El Fili" ni Rizal ay maaanigan mo kung gaano kahirap intindihin ang mga ibang salita na nakapaloob dito. Tapos sasabihin mong madali ang pagaralan ang sariling atin? How can we attain mastery of another language, if we can't even master our own? Maling mali ang hakbang na ito ng CHED. Oo, makakatulong ang pagkatuto ng ibang wika gaya ng Mandarin o Korean etc. Pero ang tuluyang pagtatanggal nito sa kolehiyo na kung di ako nagkakamali ay dalawang semester lang naman ang kinakain? Para mo na rin sinabing malansang isda tayo, katulad ng sinabi ni Ka Pepe.
Ang sa akin lang naman ay sana, SANA magising sila sa katotohanan na ang pagmamahal sa sariling lenggwahe at pagaaral nito ay maaaring maging susi sa kaunlaran ng nasyon. Ng isang nasyon na hindi umaasa sa dayuhang lenggwahe. Tignan na lang natin ang ibang bansa gaya ng Korea o Japan. Nagaaral sila ng English para sa international matters or for mastery purposes etc. pero hindi nila ibinababa ang pagtingin nila sa sarili nilang mga salita. IPINAPANTAY nila ito. Para bagang PRIDE nila ang pagsasalita sa kanilang native tongue. Sana maging ganito din tayo.
Isipin nawa ng CHED ang kapakanan ng kinabukasan ng bansa. Ang hakbang nila na ito ay parang nagsisilbing pagtapak sa mga ipinaglaban ng ating mga bayani.
-Credits and Ownership of Video and picture to TV5
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento